P8.5B halaga ng illegal drugs nasabat sa 2021-PNP

P8.5B halaga ng illegal drugs nasabat sa 2021-PNP

December 31, 2021 @ 4:48 PM 8 months ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes na nasabat nito ang aabot sa P8.5 bilyong halaga ng iligal na droga sa mga isinagawang operasyon katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong 2021.

Binigyang-diin ng PNP ang katagumpayan ng pakikipaglaban nito sa iligal na droga, terorismo, mga wanted na indibidwal, at loose firearms.

“Police operations against illegal drugs for this year resulted in the arrest of 66,278 drug personalities and the confiscation of illegal drugs with an estimated DDB value of more than P4.653 billion. Additionally, in joint operations with PDEA, more than P8.5 billion,” ayon sa PNP.

Binanggit din ng PNP ang pagkaka-aresto sa Chinese personalities Gao Manzhu, Hong Jianshe, Eddie Tan, at Xu Youhua noong September 27 sa Zambales kung saan P3.4 bilyong halaga ng shabu ang nakumpiska.

Sa terorismo naman, inilahad ng PNP na humarap ito sa 96 government-initiated encounters na nag-resulta sa pagkasawi ng 5,487 indibidwal “identified with terrorist groups”.

Hindi bababa sa 1,148 small arms at light weapons din ang nasabat mula sa subjects ng mga operasyon, dagdag nito.

Iginiit din ng PNP ang pag-aresto kay Salome Crisostomo-Ujano noong Nobyembre, Ma. Loida Magpatoc noong Setyembre, at Gavino Manaig Panganiban noong Agosto.

Kaugnay naman ng wanted persons, sinabi ng PNP na 95 personalidad ang naaresto, apat ang napatay, at dalawa ang sumuko sa police operations.

“In addition, the PNP served Warrants of Arrest on 69,077 other wanted persons, 405 of whom had surrendered and 122 died during police operations,” base sa PNP.

Sa kaso ng loose firearms, kabuuang 25,141 small arms at light weapons ang nasabat, 10,503 suspek ang naaresto, at 4,875 criminal cases ang naihain sa korte.

Sinabi ni PNP chief Police General Dionardo Carlos na maganda ang ipinakita ng pulisya sa taong 2021, at ipagpapatuloy nila ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, lalo na sa darating na halalan sa Mayo 9, 2022.

“Aggressive police operations and other police interventions led to the arrest of lawless elements that somehow reduced the number of crimes that they may have committed,” aniya. RNT/SA