P8.5M shabu nakumpiska sa Bohol

P8.5M shabu nakumpiska sa Bohol

January 26, 2023 @ 5:52 PM 2 months ago


DAUIS, Bohol — Mahigit P8.5 milyong shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isang suspek sa isinagawang buy-bust operation kahapon sa lungsod na ito.

Kinilala ang suspek na si John Albert Quiza Iter, 27, ng Barangay Dao, Tagbilaran City.

Ayon kay Lieutenant Thomas Zen Cheung, Dauis Police Station chief, dakong alas-7:30 ng gabi nang madakip ang susek sa Purok 5, Barangay Poblacion, ng nasabing bayan.

Nakuha sa suspek ang nasa limang kilo ng shabu na nakalagay sa tea bag at tinatayang aabot sa halagang P8.5 milyon.

Sinabi ni Cheung na nakatanggap silang text message sa isang concerned citizen hinggil sa bentahan ng shabu ng suspek at isinailalim ito sa surveillance sa loob ng 2 linggo na nagresulta sa pagkakadakip kay Iter.

Matatandaan na nitong Martes, higit sa P1.7 milyong halaga ng shabu rin ang nakumpiska sa nadakip na suspek na si Filcris Ocno Vaño, 26, ng Barangay Totolan, Dauis. Mary Anne Sapicoz