P8.6M marijuana winasak sa Sulu

P8.6M marijuana winasak sa Sulu

January 26, 2022 @ 7:52 AM 8 months ago


ZAMBOANGA CITY – Winasak ng tropa ng gobyerno ang nasa P8.6 milyong halaga ng fully grown na marijuana plant sa Sulu, ayon sa ulat ng 4th Marine Brigade (MBde).

Sa pahayag ng 4MBde, natagpuan ang taniman ng marijuana Barangay Masjid Bayle, Kalingalan Caluang, Sulu matapos na makatanggap ng tip sa residente.

Dahil dito, nagkasa ang 4MBde katuwang ang Marine troops, policemen, National Intelligence Coordinating Agency (NICA), at Philippine Drug Enforcement Agency ng operasyon.

“Upon arrival at the location, they (operatives) have found out a more or less one-hectare plantation with fully grown marijuana,” ulat ng 4MBde.

Sa kabila nito, hindi naman nila natunton ang sinasabing nagmimintena sa taniman na kinilala lang sa alyas Banban at alyas Aksan.

Hinahanda naman na ang kaso sa dalawa.

Nasa 10,000 fully grown marijuana ang winasak ng awtoridad, qyon sa 4MBde na lubis na nagpasalamat sa suporta ng mga residente. RNT