P8.9M jackpot sa Mega Lotto natumbok ng taga-Zambo

P8.9M jackpot sa Mega Lotto natumbok ng taga-Zambo

June 21, 2022 @ 3:20 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Napagtagumpayan ng isang mananaya mula sa Zamboanga del Sur makaraang mahulaan nito ang winning combination ng Mega Lotto 6/45 sa katatapos na draw kagabi.

Sa kalatas na inilabas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nabili ng maswerteng mananaya ang kanyang ticket mula sa isang outlet sa Zamboanga City na may kombinasyon na 17-32-23-14-25-18 at premyong P8,910,000.

Makakapag-uwi naman ng tig-P32,000 ang 19 indibidwal makaraang makakuha sila ng lima sa anim na kombinasyon.

Huling tinamaan ang Mega Lotto 6/45 nitong Biyernes kung saan nabili ang ticket sa isang outlet sa Malabon City na may kombinasyon na 10-12-02-27-03-18 at premyong P103,269,281.60.

Ang Megalotto 6/45 ay binobola sa araw ng Lunes, Miyerkules at Biyernes sa punong tanggapan ng PCSO Shaw Blvd. sa Mandaluyong City sa ganap na alas-9 ng gabi.

Samantala, hindi naman napagtagumpayan ng 14 na mananaya ang jackpot prize ng Grandlotto 6/55 na may kombinasyon na 51-02-49-47-46-36 na may premyong P232,111,463.20.

Makakapag-uwi naman sila ng tig-P100,000 makaraang makakuha ng lima sa anim na kombinasyon. Toto Nabaja