P80M puslit na produkto nasabat ng BOC sa Bulacan

P80M puslit na produkto nasabat ng BOC sa Bulacan

January 28, 2022 @ 1:18 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Tinatayang nasa P80 milyon halaga ng iba’t ibang klaseng produkto na pawang mga ismagel ang kinumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa isinagawang inspeksyon sa isang bodega na matatagpuan sa Pandi, Bulacan nitong Miyerkules.

Nag-isyu ng Letter of Authority si BOC commissioner Rey Guerrero laban sa may-ari o kinatawan sa nasabing warehouse kung saan nagsagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng BOC-Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP) katuwang ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Coast Guard (PCG).

Sa isinagawang inspekayon ay nadiakubre ng mga awtoridad ang mga imported na kalakal na pawang mga rehistrado tulad ng mga mosquito coils, motorcycle parts/accessories, kitchenwares, TV antennas, power tools, infringed toys, mga libre, atbp. na tinatayang aabot sa P80 milyon.

“The smuggled goods shall be subjected to seizure and forfeiture proceedings in violation of Republic Act No. 8293 ‘Intellectual Property Code of the Philippines’ and Section 1113 ‘Property Subject to Seizure and Forfeiture’ under RA No. 10863, otherwise known as Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), concerning pertinent customs laws, rules, and regulations,” saad ng BOC.   JAY Reyes