P80M tobats nasabat sa Pasay warehouse

P80M tobats nasabat sa Pasay warehouse

March 11, 2023 @ 1:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nasamsam ng awtoridad ang halos P80-M halaga ng shabu sa isang warehouse sa Pasay City nitong Biyernes.

Sinabi ng Bureau of Customs (BOC), dumating sa Port of NAIA ang ilegal na droga mula Pakistan noong Martes, Marso 7.

Idineklara ang nasabing package bilng “Terry Towels” perong nang idaan sa X-ray screening ay kahina-hinala ang nakita ng mga opisyal sa nasabing shipment.

Naaresto naman ang consignee ng shipment at iniimbestigahan na ang insidente. RNT