P825K shabu nakumpiska

P825K shabu nakumpiska

December 15, 2022 @ 1:26 PM 1 month ago


DAVAO CITY – Shoot sa kulungan ang isang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos makuhanan ng P825,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad noong Martes sa Davao Oriental .

Kinilala ang nadakip na suspek na si Cresentino Altizo Jr. alias Doydoy 27-anyos, taga-Purok Fairview, Barangay Central, Mati City.

Sa pinagsamang operasyon ng Mati-PNP at PDEA 11, nadakip ang suspek sa Purok Kalayaan, MLGR, Madang, Barangay Central, Mati City, Davao Oriental.

Nakuha kay Altizo ang 55 gramo ng shabu na may street value na P825,000, marked money at motorsiklo na pinaniniwalaan ginagamit nito sa kanyang mga transaksyon.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. Mary Anne Sapico