P850K shabu nakumpiska

P850K shabu nakumpiska

December 17, 2022 @ 4:23 PM 2 months ago


BACOLOD CITY- Kulungan ang kinabagsakan ng isang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos makuhanan ng P850,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad Tanjay City noong Huwebes.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Charlito Lado Jr., 40, at residente ng Barangay Tugas, Tanjay City.

Ayon kay PRO 7 director Brig Gen. Roderick Augustus Alba, nakuha sa suspek ang 125 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P850,000 sa buy-bust operation sa nasabing lungsod.

Narekober din sa suspek ang marked money at P60,000 na pinaniniwalaang kita mula sa kanyang ilegal na aktibidad.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs ang suspek.

Ang mga nakumpiskang shabu ay bahagi ng P8 milyong drug haul ng PRO 7 ngayong linggo.

Binalaan naman ni Alba ang mga nagbebenta ng ilegal na droga na hindi sila titigil sa paghahabol sa kanila hanggan’t hindi nauubos ang mga drug pusher. Mary Anne Sapico