P89B budget hirit ng BARMM

P89B budget hirit ng BARMM

September 30, 2022 @ 2:16 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Umaasa si Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao chief minister Ahod Ebrahim na aaprubahan ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) ang proposed P85.3 bilyon pondo ng BARMM sa susunod na taon.

“The proposed budget will hopefully bring us to that point in the future when connected from this point where we are now, will draw a line of sustained progress,” ani Ebrahim nitong Miyerkules, Setyembre 28.

Sa ilalim ng proposed allocation na isinalang ni Ebrahim nitong Lunes, malaking bahagi dito ay nakalaan sa social services sector na mayroong P36.9-billion budget.

Maliban dito, tututukan rin umano ng regional government sa nabanggit na pondo ang programa para sa edukasyon, kultura, manpower development, subsidiya sa mga local government units, social security, welfare and employment at kalusugan.

“This plan will hopefully transform BARMM to become a better environment for our people who shall enjoy the benefits of a better economy,” ani Ebrahim.

Sa nabanggit rin na proposed budget, malaking bahagi rin nito ay ilalaan sa peace and stability sector na napakahalaga umano para sa BARMM.

“As enablers of socioeconomic development, the peace and stability sector focuses its efforts on promoting a peaceful and an inclusive Bangsamoro society for sustainable development with access to justice and establishment of effective and accountable institutions.”

Bilang pagtatapos, nanawagan si Ebrahim sa mga kasamahan sa BTA na magtulungan upang masigurong maipatutupad ang kanilang mga plano at proyekto sa ilalim ng proposed budget. RNT/JGC