P8M pulang sibuyas, carrots nasabat sa Maynila

P8M pulang sibuyas, carrots nasabat sa Maynila

January 6, 2023 @ 3:23 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Halos P8 milyong halaga ng pulang sibuyas at carrots ang nasabat katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG), sa Manila International Container Terminal sa Tondo, Maynila.

Sa isinagawang inspeksyon, nakita rito ang kahon-kahong pulang sibuyas at carrots na nagkakahalaga ng P7,860,300 na nakalagay sa isang container.

Inirekomenda ang paghahain ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) sa naturang shipment dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Sa ngayon, nananatili sa kustodiya ng Bureau of Customs (BOC) ang container van. Jocelyn Tabangcura-Domenden