P8M shabu kumpiskado, 4 arestado

P8M shabu kumpiskado, 4 arestado

September 2, 2022 @ 12:43 PM 1 month ago


SURIGAO CITY- ARESTADO ang apat na drug pusher matapos makuhanan ng higit sa P8 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad nitong Huwebes sa probinsya ng Surigao del Norte.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Jayson Tumbaga, nasa Regional Target-Listed Drug Personality , residente Purok 2, Brgy. Taligaman, Butuan City; Emma Grace Junior, ng Barangay JP Rizal, Butuan City; Roche Cutamora, ng Barangay Ampayon, Butuan, kapwa nagpositibo sa drug test at Rupert Joan Tumbaga, taga Barangay Antongalon, Butuan City.

Ayon kay Dindo Abellanosa, Regional Information Officer-Philippine Drug Enforcement Agency, nadakip ang mga suspek sa Purok 1, Brgy. Mabua, Surigao City, Surigao del Norte .

Nakuha sa mga ito ang shabu na may bigat na 1,027.464 gramo at umabot sa halagang P8,219,712.00, dalawang pakete ng dahon sa marijuana, isang 9mm caliber pistol na may magazine at 10 na bala, 3 cellphones, pera na aabot sa P22,9009, 29 na piraso ng tig libo na boodle money, P1,000.00 marked money, at isang motorcycle Z900.

Sinabi ni Abellanosa na sa buong Caraga ang operasyon ni Tumbaga at ang pinagmulan ng kanyang shabu ay Lanao Area.

Dagdag pa ni Abellanosa na ang PDEA-Caraga ang Top 1 sa buong Pilipinas para sa unang semester ngayon taon.

Nahaharap ngayon sa patung-patong na kaso ang mga suspek./Mary Anne Sapico