P8M shabu nasabat sa kambal na buy-bust sa Cebu

P8M shabu nasabat sa kambal na buy-bust sa Cebu

March 13, 2019 @ 1:49 PM 3 years ago



Cebu City – Umabot sa mahigit P8 milyong halaga ng shabu ang nalambat ng Cebu City Police sa magkasunod na operasyon nitong Martes ng gabi hanggang Miyerkoles ng madaling araw.

Unang nakuha ang 200 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.3 milyon mula sa naarestong suspek na si John Mark Cardinas ng alas-11 kagabi sa Tupaz Street sa Barangay Sawang Calero, Cebu City.

Sinundan naman ito ng P7 milyong halaga ng isang kilo ng shabu na nasabat mula sa isang babae.

Huli ng Talamban police sa Cebu City pasado alas-12 ng madaling araw Miyerkoles, ang drug suspek na si alyas Marites, na nagsasabing courier lang siya at hindi pusher.

Kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa kina Cardinas at Marites. (Remate News Team)