P9.28B ayuda naipamahagi na sa mga benepisyaryo ng 4Ps

P9.28B ayuda naipamahagi na sa mga benepisyaryo ng 4Ps

January 15, 2023 @ 1:13 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Officer-in-Charge Eduardo Punay na sa ngayon ay nakapagbigay na sila ng mahigit P9 bilyon na financial assistance sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng pamahalaan.

Ani Punay, target ng 4Ps program ang mga pamilya na mayroong mga anak na nag-aaral na mas bata pa sa 17 taong gulang.

“Ang target po natin dito ay 4.4 million households annually and last year, 2022, we were able to serve 4,323,450 households. All in all we have a total of PHP9.28 billion extended to them in the form of financial assistance under our 4Ps,” pagbabahagi ni Punay.

Sinabi pa niya na layunin din nilang linisin ang listahan ng mga benepisyaryo at alamin kung sino ang mga nakaahon na sa hirap mula nang magsimula ang pandemya, at palitan naman ng mga bago na nangangailangan din ng suporta.

“Napakarami po nating mga nakalista sa ating “wait list” at kailangan po nating mai-graduate sila upang mapalitan ng ibang nangangailangan that are listed in our “waitlist” and we need to graduate them,” aniya.

Ani Punay, noong nakaraang taon ay nasa 106,000 4Ps beneficiaries na ang naka-graduate sa programa nang makapagpakita ng positibong indikasyon na gumanda na ang kanilang pamumuhay.

Target ng ahensya na makapag-alis na ng 1.3 milyon na benepisyaryo sa listahan ngunit hanggang sa kasalukuyan ay nananatili pa ang 500,000 sa mga ito.

“Kaya ngayon po ay nag-co-conduct kami ng community validation para nga po maiayos itong listahan ng mga beneficiaries. And we are constantly coordinating with the local government units (LGUs), which is one the DSWD’s important partners, to accomplish it,” sinabi pa niya.

“And that is a very big problem on our part because of the huge number of those in the standby. Hopefully this month, we may be able to complete our list of those to be discarded for replacement,” dagdag ni Punay. RNT/JGC