P9.4-B lingguhan dagdag-kita sa Alert Level 1 – Malakanyang

P9.4-B lingguhan dagdag-kita sa Alert Level 1 – Malakanyang

February 28, 2022 @ 5:45 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Umaasa ang Malakanyang ng karagdagang P9.4 bilyong halaga ng economic activity kasunod ng de-escalation sa National Capital Region (NCR) at 38 iba pang lugar sa mas mababang Covid-19 Alert Level 1 at ilang lugar sa less restrictive Alert Level 2 mula Level 3.

“Ang expectations po natin na additional is P9.4 billion worth in economic activity per week and 170,000 less unemployed individuals in the next three months kung tuluy-tuloy pa po itong pag-aalert level 1 natin ,” ayon kay acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Sinabi ni Nograles na ipri-presenta ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Karl Chua ang aktuwal na projected impact ng pinagaan na restriksyon.

“Presumable during Talk to the People ay mapagbigyan din po siya ng pagkakataon na mas ma-project niya anuman ang magiging epekto nitong Alert Level 1 sa ating ekonomiya,” aniya pa rin.

Ani Nograles, nakatakdang magdaos ng kanyang lingguhang Talk to the People si Pangulong Duterte, Lunes ng gabi.

Nauna rito, sinabi ni Chua na ang pag-arangkada ng Covid-19 vaccination program at ligtas at unti-unting muling pagbubukas ng
ekonomiya sa gitna ng pinagaan na restriksyon sa NCR at iba pang lalawigan ay mayroong “generated more and better jobs for the people.”

“Aside from the safe resumption of face-to-face classes, the expansion of the vaccination program to the pediatric population also opened opportunities for employment in the education sector,” ayon kay Chua.

Sinabi pa ni Chua na ang progreso ng pagpapatupad ng 10-point policy of the Economic Development Cluster (EDC) ang magbabalik ng mas maraming employment opportunities, lalo na sa mga hard-hit sectors gaya ng turismo at edukasyon.

“While employment outcomes are expected to slightly deteriorate in January 2022 due to the higher alert levels, this will only be temporary as we vigorously pursue the implementation of the EDC’s 10-point policy. This will set the stage for our full recovery in 2022,” ayon kay Chua. Kris Jose