P9.5M party drugs nasabat ng PDEA

P9.5M party drugs nasabat ng PDEA

July 13, 2021 @ 7:06 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Nasabat ng mga tauhan ng mga operatiba ng  anti-narcotic  ng PDEA Regional Office-NCR NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) at naaresto ang dalawang  drug personalities na isinagawa ang  operation, habang kiniklem ang  parcel naglalaman umano ng  ecstasy na party drugs,  sa Quezon City Central Post Office, Brgy. Pinyahan, Quezon City, nitong Lunes.

Ayon kay Dir. III Christian O Frivaldo, Regional Director ng  RO-NCR at  Task Group Commander nang  NAIA-IADITG, kinilala ang dalawang naaresto na sina Ma. Isabella Albano, 27, residente ng  Quezon City at Jessica Muñoz, 27 ng  Bacoor, Cavite.

Nakumpiska sa dalawa ang 5,637 piraso ng   ecstasy tablets  nasa standard drug price ng Php 9,582,900.00.

Nakapaloob sa parcel at nakadeklara na mga laruan pa bata na galing mula sa bansang  Germany.

Ang naaresto ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Kahit may pandemya tuloy ang laban sa droga. Val Leonardo