P9.7B iligal na droga nasamsam ng PNP sa pagsisimula ng Marcos admin

P9.7B iligal na droga nasamsam ng PNP sa pagsisimula ng Marcos admin

November 15, 2022 @ 8:56 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) ang halos P9.7 bilyong halaga ng iba’t ibang iligal na droga mula nang umupo sa pwesto si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Hulyo.

“We are glad to note that since the assumption of the current administration, the PNP’s aggressive campaign against illegal drugs already had 18,505 anti-illegal drug operations which yielded over PHP9.7 billion worth of illegal drugs and arrested 22,646 drug personalities,” pahayag ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. sa sidelines ng paglagda ng memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng PNP at non-government organization Battle Against Drugs (BAD) sa Camp Crame, Quezon City nitong Lunes.

Binaggit din ni Azurin na 46 suspek lamang ang nasawi sa mga operasyon.

“So with all the minimum caution, we advise our police officers, ‘you do not endanger your life’. But definitely, when they are in danger, they have to defend themselves. As we can notice, the deaths are very minimal because we opt to focus on engaging other sectors. We are partnering with the religious sector so that in their level, they can engage the suspects at the barangay level so they can just surrender and stop their illegal activities,” aniya.

Kinilala naman ni Azurin ang buong suporta ng Pangulo sa “more focused holistic approach” ng PNP sa pagsugpo sa droga at krimen, na sumisimbolo sa pagsisikap ng pamahalaan sa paghubog ng mga mekanismo hinggil sa pagpapabuti ng kapayapaan at kaayusan at ligtas na pamayanan.

“The entire police force remains steadfast to the anti-illegal drugs programs of the government with the aim that Filipinos everywhere could enjoy peaceful society and embrace a greater sense of security by sustaining vigilant trust and confidence in our law enforcers,” giit ni Azurin.

“As we sign this Memorandum of Agreement, we express our desire to support Battle Against Drugs to foster the government’s genuine, sincere, and God-leading intention to sustain the fight against illegal drugs in the country. Let this accord serve as an instrument to further synergize our strategies and inter-operability schemes on how to defeat the growing complexity and threat of illegal drugs and criminal elements,” sabi pa niya.

“We also urge our concerned citizens, help us in our efforts to keep the community and our children’s future safe from the threats of illegal drugs. Ang lahat ng ito ay patunay lamang ng umiigting pa nating hangarin na sugpuin ang kriminalidad sa bansa at sugpuin ang iligal na droga na unti-unting sumisira ng magandang kinabukasan ng ating mga kabataan.” RNT/SA