P90M marijuana sinunog sa Kalinga

P90M marijuana sinunog sa Kalinga

January 21, 2022 @ 1:33 PM 7 months ago


Kalinga – Tuluyan  nang sinunog ng mga awtoridad ang halos umaabot sa P90 milyong halaga ng tanim na marijuana mula sa anim (6) na plantasyon sa magkahiwalay na Barangay ng Loccong at Butbut sa Tinglayan dito sa nasabing lalawigan.

Magkasanib pwersa ang mga tauhan ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-PDEG), Philippine Drug Enforcement Agency Cordillera, Tinglayan Municipal Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit Kalinga PPO, 2nd KPMFC, RMFB15 1503rd/1505th, RHPU, RIU 14, PROCOR, at RDEU PROCOR na nagsagawa ng operasyon sa lugar sa ilalim ng ‘COPLAN STORM BREAKER’.

Una rito, halos 280,000 ang kabuuang bilang ng tanim na marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P56 milyon ang nadiskubre ng mga alagad ng batas mula sa apat na plantasyon na may sukat na 28,000 square meters.

Humigit kumulang 150 kilo ng dried marijuana leaves na nagkakahalaga ng P18 milyon ang narekober.

Samantala, humigit kumulang walumpung libong (80,000) piraso ng fully grown marijuana plants na tinatayang nasa labing anim na milyong piso (Php16, 000,000.00) ang sinunog mula sa kabuuang sukat ng lupa na 8,000 square meters sa dalawang (2) mga plantasyon ng marijuana sa Butbut Proper, Tinglayan.

Sa naturang operasyon ay walang naarestong nagmamay-ari o nagtatanim sa ipinagbabawal na gamot sa mga naturang lugar. (REY VELASCO)