P90M puslit na pekeng sigarilyo nasabat ng BOC 

P90M puslit na pekeng sigarilyo nasabat ng BOC 

July 9, 2021 @ 1:20 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Sinira ng Bureau of Customs (BOC) Port of Cebu ang nasa P90 milyon halaga ng mga nakumpiskang ismagel at mga pekeng sigarilyo na isinagawa sa pasilidad ng Taiheiyo Cement Philippines Inc. (TCPI).

Ayon sa BOC, ang nakumpiskang 1,804 master cases ng mga ismagel at pekeng sigarilyo na may brand na “Mighty”, “Marvels”, at “Fort” na dumating sa bansa nito lamang Hunyo 2021 at nagmula sa bansang China ay ikinarga sa dalawang magkahiwalay na kargamento kung saan idineklara ang mga ioto na naglalaman ng table panels, cabinets, at chairs

“We have partnered with TCPI for the use of its facilities in compliance with Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero’s directive to dispose forfeited cigarettes through burning in the furnaces of cement plants. The condemnation process was strictly monitored to ensure compliance with existing environmental protocols,” lahad ni Deputy District Collector for Operations Marc Anthony C. Patriarca.

Matatandaan na nitong nakaraang taon ay nakumpiska at sinira ng BOC Port of Cebu ang nasa walong kargamento ng mga pekeng sigarilyo na nagkakahalaga ng P374 milyon.

“This latest condemnation of seized smuggled cigarettes is in line with Commissioner Guerrero’s directive to immediately dispose forfeited goods,” saad ng BOC.  JAY Reyes