P90M puslit na yosi, nasamsam sa Sulu

P90M puslit na yosi, nasamsam sa Sulu

February 21, 2023 @ 3:39 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nasabat  ng Philippine Navy ang P90 milyong kontrabandong sigarilyo sa Sulu nitong Sabado.

Sinabi ng Naval Force Western Mindanao na nasamsam nito ang 4,500 cases at 225,000 rims ng undocumented na sigarilyo na karga ng ML Haiban, na naharang nila 1,600 yards northeast ng BJ Wharf, Indanan, Sulu.

Nagmula umano ang mga sigarilyo sa Indonesia, base sa mga opisyal. Kinilala naman si Eddie G. Taugiag bilang skipper ng nasbaing bangka.

Naarsto ng mga opisyal ang 11 tauhan ng bangka at dinala ang mga nasamsam na sigarilyo sa Mauboh Pier, Patikul, Sulu kinabukasan.

Dinala na ang undocumented cigarettes sa Bureau of Customs para sa disposal.RNT/SA