P92M marijuana winasak sa Kalinga

P92M marijuana winasak sa Kalinga

July 24, 2022 @ 4:17 PM 4 weeks ago


MANILA, Phlippines – Winasak ng awtoridad ang aabot sa P92 milyong halaga ng tanim na marijuana sa loob ng halos isang linggong operasyon sa Tinglayan, Kalinga.

Pinangunahan ng Tinglayan police at Philippine Drug Enforcement Agency ang pagsuyod sa limang barangay mula Hulyo 18 hanggang 23.

Sinabi ni Maj. Garry Gayamos ng Kalinga Police Provincial Office na  nasa 20 plantation site ang nadiskubre ng awtoridad.

Umabot sa P92.2 milyon ang kabuuang halaga ng mga marijuana ang winasak habang wala namang naaresto sa mga operasypn

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad kung sino ang may-ari ng mga plantasyon. RNT