P93.7 million Flood Control Project, natapos na ng DPWH

P93.7 million Flood Control Project, natapos na ng DPWH

July 30, 2018 @ 6:17 PM 5 years ago


 

Iloilo – Tatlong flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang natapos na sa mga low-lying areas sa bayan ng Pavia at San Miguel sa Iloilo.

Ayon sa DPWH 4th District Engineer Mario Soriano, malaki ang maitutulong sa mga residenteng nakapalibot sa nasabing mga flood control projects dahil malapit sila sa ilog.

Ito ay ang Aganan flood control project mula sa Jaro-Aganan River sa Barangay Poblacion, at mula sa Barangay 9 hanggang 14, at ang Tigum Flood Control sa Jaro Tigum Bridge.

Ayon pa kay Soriano, ang P93.7 million projects na ito ay makakatulong upang maiwasan ang pagguho ng lupa dulot ng mga pagbaha.

Dagdag pa ni Soriano, napapanahon ang pagkakumpleto nito, dahil sunod-sunod ang nararanasang sama ng panahon sa bansa. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)