P961M pondo sa mga power co-ops nakahanda na – NEA

P961M pondo sa mga power co-ops nakahanda na – NEA

September 10, 2022 @ 9:15 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Inihanda na ng National Electrification Administration (NEA) ang nasa P960.85 milyong pisong pondo para sa 31 na mga electric cooperatives sa bansa.

Sa nabanggit na bilang, 10 sa mga electric cooperatives na mga ito ang nangangailangan ng nasa P505.76 milyon na calamity loans para sa rehabilitation ng mga nasirang power distribution systems dulot ng Bagyong “Kiko” at “Odette”.

Kabilang dito ay ang Batanes Electric Cooperative Inc. , Palawan Electric Cooperative Inc., Bohol I Electric Cooperative Inc. (Boheco I), Bohol II Electric Cooperative Inc. (Boheco II), Cebu I Electric Cooperative Inc., Negros Oriental I Electric Cooperative Inc., Leyte IV Electric Cooperative Inc. (Leyeco IV), Southern Leyte Electric Cooperative Inc., Misamis Oriental II Electric Cooperative Inc. at Surigao del Norte Electric Cooperative Inc.

Ang nalalabing P303.73 milyon naman na pondo ay laan para sa capital expenditure projects ng iba pang kooperatiba.

Ilan pa sa paglalaanan ng pondo ay para working capital loans, short term credit loans, single-digit system loss, renewable energy at modular generator set loans. RNT/JGC