P96M iligal na droga, sinira sa W. Visayas

P96M iligal na droga, sinira sa W. Visayas

June 25, 2022 @ 3:45 PM 2 months ago


BACOLOD CITY- Sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Western Visayas (Region 6) ang P95,549,936.82 halaga ng iligal na droga sa pamamagitan ng thermal destruction sa Acropolis Gardens in Barangay Bata nitong Biyernes.

Sa kasalukuyan ay ito ang pinakamalaking  pagsunog sa nasabat na iligal na droga sa rehiyon, ayon kay PDEA-Western Visayas Director Alex Tablate.

Sinabi rin ni Tablate na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P93,788,833.60 at 12,431.0244 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P1,761,103.2267 ang sinira.

Kabilang sa mga sinunog ang na-rekober ng mga pulis at PDEA sa rehiyon na iligal na droga– P20.4-milyong shabu sa Bacolod Real Estate Development Corp. (Bredco) port noong Enero at P34 milyong shabu sa Escalante City, Negros Occidental nitong Marso at P13.6 milyong shabu sa San Carlos City, Negros Occidental kamakailan.

Ipinaliwanag ni Adonis Abueva, chief ng PDEA-Western Visayas laboratory, na nakasaad ang proseso sa ilalim ng Section 21 ng Republic Act (RA) No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Binanggit ni Abueva ang Section 21 ng RA 9165 na nagsasabing: “After the filing of the criminal case, the court shall, within 72 hours, conduct an ocular inspection of the confiscated, seized and/or surrendered dangerous drugs, plant sources of dangerous drugs, and controlled precursors and essential chemicals, including the instruments/paraphernalia and/or laboratory equipment, and through the PDEA shall within 24 hours thereafter proceed with the destruction or burning of the same, in the presence of the accused or the person/s from whom such items were confiscated and/or seized, or his/her representative or counsel, a representative from the media and the Department of Justice, civil society groups, and any elected public official.”

Base kay Abueva, pinili ang Acropolis Gardens upang isagawa ang proseso dahil kaya nitong sirain ang  iligal na droga nang hindi nakasisira sa  sa kapaligiran at sa mga tao dahil ang substances ay sumasailalim  sa dalawang burning processes.

Aniya, ang end product ng thermal destruction at steam (water) at carbon dioxide na hindi mapanganib sa mga tao kapag nasinghot ito.

Aniya pa, ang mga nasabat na items na isinailalim sa thermal destruction ay kumpirmadong iligal na droga dahil sumailalim umano ito sa Simon’s Test.

Ani Tablate, ang rason sa thermal destruction ay upang alisin ang duda ng publiko sa drug recoveries, at binigyang-diin na kailangan talaga itong sirain.

Iginiit pa niya na ang papel ng publiko sa  pag-alis sa iligal na droga da komunidad ay ang pagbibigay ng impormasyon sa mga awtoridad. RNT/SA