P9M lugi sa mga nangamatay na isda sa Taal Lake – BFAR

P9M lugi sa mga nangamatay na isda sa Taal Lake – BFAR

July 6, 2021 @ 6:22 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang nararanasang mataas na lebel ng fish mortality sa Batangas.

Base sa inisyal na ulat na natanggap ng Department of Agriculture (DA), tinatayang nasa 109 metric tons ng bangus at tilapia na nagkakahalaga ng P8.999 million ang nalugi dahil sa pagkamatay ng mga isda sa bahagi ng bayan ng Talisay.

Nagsagawa na rin ng pagsusuri sa tubig sa lawa ng Taal kung saan nakita ang mataas na lebel ng ammonia at sulfides na ayon sa mga awtoridad ay mapanganib sa mga isda.

Mababa rin ang dissolved oxygen level sa bahagi ng Tanauan at Talisay pero hindi binanggit mg BFAR kung nakaambag ito sa pagkamatay ng mga isda sa lugar.

“The local government of Talisay and the operators of the affected fish cages are coordinating for safe collection and disposal of the fishes,” ani BFAR. RNT