P9M pekeng yosi nasamsam sa Valenzuela

P9M pekeng yosi nasamsam sa Valenzuela

March 18, 2022 @ 11:32 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Tinatayang P9 milyong pekeng sigarilyo ang kinumpiska sa isang bodega sa Valenzuela City, iniulat ng Bureau of Customs nitong Huwebes.

Nabatid sa BOC, sa ginawang pagsusuri ay natuklasan sa nasabing bodega ang master cases, mga malalaking kahon na naglalaman ng 50 karton o 10,000 inangkat na pekeng sigarilyo gaya ng Marlboro Reds, Mighty, Modern Cigarettes, Carnival, Red Golden Dragon (RGD) Classic, at iba pa.

Ang mga pakete naman ng sigarilyo ay nagtataglay ng magkakaparehong Bureau of Internal Revenue (BIR) stamps serial numbers.

Maliban dito, ilang master cases din ng sigarilyo ang natagpuan sa loob ng isang sasakyan sa storage area ng bodega.

Dinala ang mga kontrabando sa bakuran ng BOC premises at isaiilalim sa seizure and forfeiture proceedings dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.

Ang nasabing operasyon ay isinagawa ng Manila International Container Port-Customs Intelligence and Investigation Service (MICP-CIIS) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Merly Iral