P9T infra program, aprub na kay PBBM

P9T infra program, aprub na kay PBBM

March 9, 2023 @ 6:20 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board, sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr.,  ang P9 trillion na halaga ng infrastructure flagship projects (IFPs),  kabilang na ang mga  sinimulan  ng mga  nagdaang administrasyon.

Sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan, nagbigay ng go signal ang Board para sa  194 IFPs,  mayorya rito ay ang physical connectivity at water resources,  kabilang na ang mga proyekto na may kinalaman sa irigasyon, water supply, at flood management.

Winika pa ni Balisacan na  71 proyekto ang mula sa mga nagdaang administrasyon kabilang na ang nagpapatuloy na Mega Manila Subway Project na inaprubahan sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong  President Rodrigo Duterte at ang North-South Commuter Railway, na nakikitang pinakamalaking  railway project sa ilalim ng ni dati at namayapang Pangulong  Benigno “Noynoy” Aquino III.

Sinabi pa ng Kalihim na ang 123 na mga proyekto na nasa listahan ay mga bago kabilang na ang rehabilitasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), na mayroong dalawang unsolicited proposals mula sa  NAIA Consortium at ang Megawide Consortium na ni-reject sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Roa  Duterte.

Kabilang din sa mga bagong proyekto ang  Mindanao Railway Project III, the North Long Haul Railway,  San Mateo Railway,  UP-PGH Diliman Project,  Ilocos Sur Transbasin Project, at ang  Metro Cebu Expressway.

“The new IFPs are seen to address the binding constraints to business investment and expansion that will create more high-quality and resilient jobs that will allow us to meet our poverty-reduction goals for the medium term,” ani Balisacan.

May  45 na IFPs ang inaasahan na mapopondohan sa pamamagitan ng  partnerships sa pribadong sektor,  “a shift from the Duterte administration’s preference for the Official Development Assistance (ODA) scheme.”

“These projects will adopt an optimal mix of financing from various development partners, that is ODA, the national government, that is General Appropriations, and the private sector, particularly public-private partnerships,” dagdag na pahayag ni Balisacan.

Aniya pa, may 95 ng mga proyekto ang nagpapatuloy na at naaprubahan para sa implementasyon, 47 ang nasa ilalim ng  project preparations na may  feasibility studies na inihahanda at 8 naman ang nakakuha pa lamang ng  government approval.

“To ensure the quality and timeliness of project execution, the NEDA Board designated NEDA as the lead agency that will monitor the implementation of the IFPs as part of its program monitoring function.” ani Balisacan.

Maliban sa  IFP list, sinabi ni Balisacan na inaprubahan din ng NEDA Board ang panukalang amiyandahan ang 2013 NEDA Joint Venture Guidelines,  naglalayong palakasin ang  competition para sa mga  projects at i- align ang probisyon sa kamakailan lamang na inamiyendahang  Build-Operate-Transfer (BOT) Law.

“Today’s approval of the new IFP list and the amendments to the NEDA JV guidelines is a giant step toward our goal of elevating our competitiveness as we promote the Philippines as a prime investment destination in the region,” ayon kay Balisacan.

“We will connect and integrate markets to enable access to more opportunities for local industries, enhance the productivity of our young and vibrant labor force, and create safe infrastructure for future generations,” dagdag na wika nito.

Ang  NEDA Board Executive Committee ay binubuo ng  Pangulo bilang  chairperson nito,  NEDA Secretary bilang  vice chairperson, at Executive Secretary,  Finance Secretary, at Budget and Management Secretary  bilang mga miyembro nito. Kris Jose