Pa-abs ni Alden, inaabangan!

Pa-abs ni Alden, inaabangan!

July 15, 2021 @ 10:15 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Nagpapasalamat ang Kapuso actor na si Alden Richards sa opportunity na ibinigay sa kanya ng GMA network na muling magbida sa teleseryeng “The World Between Us” kung saan kapareha niya ang magaling na aktres na si Jasmine Curtis-Smith.

Lagi kasing inaabangan ng kanyang mga faney ang nasabing soap na nagsimula ngayong Hulyo.

Marami kasi ang nasabik sa Asia’s Multimedia Superstar na huling nasaksihan ang galing sa seryeng “The Gift.”

Bagama’t napanood siya sa drama anthology na “I Can See You” sa kuwentong may pamagat na “Love on the Balcony,” medyo nabitin naman ang kanyang followers dahil inabot lang ng five episodes ang pagtatambal nila ni Jasmine Cirtis-Smith sa nabanggit na show.

Dahil patuloy na pinag-uusapan ang kanyang TV series at tinatangkilik ng kanyang avid followers, hindi naman nalimutan ng bedimpled actor na magpasalamat sa mga ito sa kanyang Instagram account.

Caption ni Alden: “I have the best supporters, makakabawi rin ako sa lahat lahat ng efforts nyo. Pangako. Maraming maraming salamat. #The World Between Us.”

Sey naman ng netizens, nakabawi na raw ang Pambansang Bae sa kanyang pa-abs kamakailan na pinag-usapan recently sa socmed.

Happy din ang mga manonood dahil nagpamigay si Alden ng iPhone at TV sa pakontes nito kaugnay ng TWBU.

Hinihiritan din nila na bukod sa markadong acting ay may pa-abs din daw sana ito sa nasabing teleserye.

Ito ang ilang sa kanilang mga komento.

“Kaloka nga, Sis! Dami nagbibiro sa kanya nun. Sana daw meron shirtless scene sa show.”

“Alden bawing bawi na basta more post lang ng shirtless kita abs oks na kami.”

“Konting dimples, konting abs, busog na!”

“This guy is very likeable. Positive na positive ang aura.”

“He’s super nice din. Ang pogi tapos ang bait.. He’s all that!”

“Just stay humble and pogi, bawing-bawi ka na. You’re a blessing to others. Kaya blessed ka din. Keep it up Alden.” Archie Liao