‘Pa-swimming’ ni VP Robredo, pinabulaanan

‘Pa-swimming’ ni VP Robredo, pinabulaanan

July 10, 2018 @ 4:28 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Tigilan na ang pagsisinungaling.

Ito ang sinabi ni Vice President Leni Robredo kay dating Senator Ferdinand Marcos, Jr. kasunod ng akusasyon sa kanya na siya ay nagpa-pool party sa mga head revisors ng Presidential Electoral Tribunal (PET).

Kahapon ay pinaiimbestigahan na ng kampo ni Marcos sa Korte Suprema ang nag-viral na mga litrato ng umano’y swimming outing ng mga empleyado ni Robredo at mga head revisor ng PET sa Calamba, Laguna.

“Alam n’ya iyong totoo… Sana mahinto na ‘yung pagsisinungaling n’ya, kasi tila ginagamit nya itong kaso na ito para magkaroon ng plataporma na parati siyang nasa publiko,” buwelta ng bise presidente.

Paglilinaw ni Atty. Romulo Macalintal, abogado ni bise presidente, parehong inimbitahan ng PET ang mga revisor ng kampo ni Marcos at kampo ni Robredo.

“In fact, the Marcos camp provided food for the said event as reported to us by our revisor,” pahayag ng abogado.

Dagdag pa nito, kapwa alam ng mga revisors ang limit sa kanilang relasyon at hindi ito makaaapekto sa recount.

Matatandaang, ipinabibilang muli ng kampo nina Marcos ang mga boto sa pagka-bise president dahil umano sa bali-balitang siya ay nadaya. (Remate News Team)