PAALALA: DPWH, magsasagawa ng road reblocking ngayong weekend sa Quezon City at Maynila

PAALALA: DPWH, magsasagawa ng road reblocking ngayong weekend sa Quezon City at Maynila

June 15, 2018 @ 1:34 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Magsasagawa ng road reblocking  ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong weekend.

Sasailalim sa Road Reblocking ang ilang kalsada sa Quezon City at Maynila simula alas 11 ng gabi mamaya (June 15), hanggang alas 5 ng madaling araw ng Lunes (June 18).

Ilang bahagi ng EDSA naman ang maapektuhan gaya ng mga sumusunod:

Southbound direction lampas ng Arayat Street, 3rd lane mula sa sidewalk (Service Road).

Apektado rin ang tapat ng Francesca Tower malapit sa Scout Borromeo, 3rd lane mula sa center island at ang  northbound direction malapit sa North Avenue – MRT Station, 2nd lane.

Bukod sa mga Road Section sa EDSA, sasailalim rin sa pagsasaayos ng Batasan Road, mula Commonwealth Avenue hanggang Kalinisan Street, 2nd lane.

Habang sa Maynila, ang A. H. Lacson Avenue malapit sa España ang apektado ng road reblocking.

Pinaalalahan naman ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta upang makaiwas sa abala at pagsisikip ng daloy ng trapiko sa nasabing mga apektadong lugar. (Jocelyn Domenden)