Paalam Alaska Aces

Paalam Alaska Aces

March 20, 2022 @ 9:57 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Tuluyan nang namaalam sa Philippine Basketball Association (PBA) ang Alaska Aces matapos matamo ang pagkatalo kontra sa NLEX Road Warriors sa playoffs.

Matatandaang inanunsiyo na ng koponan noong nakaraang buwan na ang 2021 PBA Governors’ Cup ang kanilang huling kumperensya sa liga.

Nakapasok ang koponan sa playoffs at nakaharap ang NLEX Road Warriors na humawak ng twice-to-beat na kalamangan.

Tinalo ng NLEX ang Alaska upang tuluyan nang buksan ang pinto palabas ng liga at tuluyan nang pamahingahin ang Alaska na bumitiw na sa pro basketball league matapos ang ilang dekadang paglalaro sa liga.

Nanalo ang Alaska ng 14 na kampeonato, kabilang ang isang bihirang grand slam noong 1996, sa 36 na taon nitong pagkilos sa PBA.Rico Navarro