Paaralan sa Bagac hagip ng mudslide

Paaralan sa Bagac hagip ng mudslide

August 12, 2022 @ 11:28 AM 2 months ago


BATAAN – Natabunan ng putik mula sa nangyaring mudslide ang bahagi ng isang gusali ng eskwelahan at mga silid-aralan nito sa bayan ng Bagac.

Nangyari ang mudslide sa Quinawan Integrated School sa Bagac kasunod ng walang humpay na pag-ulan na naranasan sa bayan nitong mga nakalipas na mga araw.

Sinabi ng lokal na gobyerno, nawasak ang slope protection sa paligid ng eskwelahan bunsod ng pagguho ng mga basang lupa, dahilan para tumalsik din ang mga putik sa mga silid-aralan.

Ayon sa ulat, inirekomenda ng Mines and Geosciences Bureau ang pansamantalang pagsasara ng mga apektadong silid-aralan para sa kaligtasan.

Gayundin, ang mga lokal na awtoridad ay nakipag-ugnayan sa Department of Education (DepEd) hinggil sa insidente, ayon sa ulat.

Samantala, ang mga lokal na opisyal ay naghahanap ng alternatibong lugar na pansamantalang magagamit para sa darating na pagbubukas ng paaralan, dagdag ng ulat. RNT