Paaralan sa QC binulabog ng bomb threat

Paaralan sa QC binulabog ng bomb threat

January 25, 2023 @ 3:10 PM 6 days ago


MANILA, Philippines – Binulabog ng bomb threat ang isang paaralan sa Quezon City nitong Miyerkules, Enero 25.

Ayon sa ulat, kinailangang pauwiin sa kani-kanilang mga tahanan ang mga estudyante at mga guro ng San Francisco High School dahil dito.

Kagyat naman na nagtungo ang mga awtoridad sa naturang paaralan at binusisi ang di-umano ay bag na iniwan sa naturang paaralan.

Batay sa pagsisiyasat, sinabi ng Quezon City Police District (QCPD) na wala silang nakitang bomba o anumang pampasabog sa lugar.

Nananatili naman sa loob ng paaralan ang pulisya at mga opisyal ng barangay upang magsagawa ng monitoring. RNT/JGC