Paaralan sa Tondo, nakiisa sa earthquake drill

Paaralan sa Tondo, nakiisa sa earthquake drill

November 10, 2022 @ 8:15 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakiisa ang Isabelo de los Reyes Elementary School sa Tondo, Maynila sa isinagawang nationwide simultaneous earthquake drill ngayong umaga, Nov. 11.

Alas-9 ng umaga nang ibigay ang hudyat para sa mga mag-aaral para maingat na lumabas sa kanilang mga silid-aralan na naka-duck, cover and hold.

Gamit ng mga bata ang kanilang mga libro para takpan ang kanilang ulo habang ang iba naman ay may suot na safety gear.

Ang earthquake drill ay isinagawa sa buong bansa bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na palakasin ang paghahanda sa di inaasahang mga paglindol.

Ayon sa punongguro ng naturang paaralan na si Gng. Eleodora Vergara, sakali aniyang magkalindol ay mayroon silang apat na malalaking “exit” gate para sa 6,601 nilang mga estudyante.

Nauna nang sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na ang nationwide simultaneous drill ay nakatutok sa 8.3-magnitude temblor na may tsunami scenario.

Ang aktibidad ay bilang suporta rin sa paggunita sa World Tsunami Day noong Nov. 5. Jocelyn Tabangcura Domenden