Paasa lang si coach 

Paasa lang si coach 

January 12, 2022 @ 8:56 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Buong akala ng dalawang players ng sikat na team ay mananatili sila sa koponan dahil sa ganda ng kanilang ipinakitang performance sa PBA Governor’s Cup.

Nagsalita pa ang coach na gusto nitong maging intact ang kanilang koponan at walang gagalawin sa kanyang mga players.

Anong nangyari sa isa nitong player na pinangakuan ni coach na mananatili sa team at bibigyan ng pagkakataon makalaro ng maganda.

Maligaya na sana ang player sa salita ng coach, kaso hanggang OPM ( oh promise me ) lang pala, tulad rin si coach ng iba na cooking . Hindi naman masisisi ng dalawang players ang mentor na mai-trade sila.

Ayon sa dalawa, sumusunod lang si coach sa pinaka boss ng koponan bukod pa sa hindi naman sila sikat. Yung isang marangkad na player ay hindi maganda ang ipinakita noong huling bubble game

Hindi maiwasan na sumama ang loob ng point guard at wingman players, kasi nga pinaasa silang mabibigyan na ng playing time nitong conference. HULA WHOOPS? Dwayne Rituel