Pababang trend sa COVID cases, naitala sa halos lahat ng lalawigan – OCTA

Pababang trend sa COVID cases, naitala sa halos lahat ng lalawigan – OCTA

February 6, 2022 @ 12:41 PM 8 months ago


MANILA — Halos lahat ng mga lalawigan sa Pilipinas ay nakapagtala ng pababa ng naitatalang bagogng bilang ng  COVID-19 cases, ayon sa ng pandemic monitoring OCTA Research Group ngayong Linggo.

Sa isang panayam sa TeleRadyo, sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na iilan na lamang sa mga probinsya ang nag-ulat kamakailan ng mataas na COVID-19 positivity rate.

“Maybe less than 5 [provinces], at maliliit lang ito. So, ibig sabihin, nag-peak na sila,” giit pa ng ekspero.

“Sasabihin ko na halos lahat ng probinsya ay nasa pababang trajectory,” dagdag pa niya.

Ang 7-araw na average ng mga bagong kaso ng bansa ay nasa 8,400 na ngayon, ngunit maaari itong bumaba sa 5,000 sa susunod na linggo, at humigit-kumulang 1,000 hanggang 2,000 sa pagtatapos ng Pebrero, sinabi ni David.

“We’re getting close to the situation na nakita natin November to December last year, na mababa talaga iyong bilang ng kaso,” dagdag pa niya.

Umaasa naman ang OCTA na ang positivity rate ng Pilipinas ay bababa sa “pre-omicron” surge level sa Marso, giit pa ni David.  RNT