100 unit ng pabahay, ipamamahagi na sa mga miyembro ng Scout Rangers

100 unit ng pabahay, ipamamahagi na sa mga miyembro ng Scout Rangers

July 3, 2018 @ 7:19 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Handa nang ipamahagi sa 100 miyembro ng Scout Ranger ang mga housing units na proyekto ng pamahalaan.

Ani Special Assistant to the President Christopher Bong Go na sa kabuuang isang libong units na pabahay  ay 100 pa lamang ang natapos at handa nang maipamahagi sa kanila.

Ang housing projects ay may sukat na 60 square meters na nakatayo sa 150 square meters land area na matatagpuan sa Bahagi ng San Miguel, Bulacan. Target na ipamahagi ito sa mga benepisyaryo ngayong buwan ng Hulyo alinsunod sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa kanyang talumpati sa mga Scout Rangers, hinimok sila ni SAP Go na huwag magdalawang-isip na ipaabot sa Pangulo ang kanilang kahilingan para agad na mabigyan ng katugunan.

Si Go ay dumalo sa mga nagsipagtapos na miyembro ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa Scout Rangers at Sniper training course sa Scout Ranger Training School, Camp Tecson, San Miguel, Bulacan. (Kris Jose)