Pabahay sa mga ‘Kadamay’ pinalawig

Pabahay sa mga ‘Kadamay’ pinalawig

October 5, 2022 @ 11:01 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinalawig ng National Housing Authority (NHA) ang application period para sa mga miyembro ng urban poor group Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay).

Layon nito na gawing legal ang pagtira sa ilang housing lots sa Bulacan ng hanggang Setyembre 2023.

Sa isang kalatas, nilagdaan ni NHA General Manager Joeben Tai ang isang memorandum noong Setyembre 20 na naglalayong palawigin ang application period para sa Kadamay occupants sa Padre Pio Resettlement, Pandi Residences 3, Pandi Village 2, at Villa Elise Resettlement Project.

““The amended MC (memorandum circular) aims to provide clarity and additional time for the acceptance application and legalization of occupancy of the remaining Kadamay members occupying the unawarded residential lot units in Bulacan,” ayon kay NHA.

“The previous memorandum prescribed the legalization of the occupancy of Kadamay members as a result of the series of dialogues and consultations conducted by the NHA with Kadamay members following their 2017 takeover,” ayon pa rin sa ulat. Kris Jose