Pabulaklak ni Eian kay Alexa, pinagdududahan!

Pabulaklak ni Eian kay Alexa, pinagdududahan!

December 30, 2021 @ 3:47 PM 8 months ago


Manila, Philippines – “Aww. Naol!”

Ilan ‘yan sa mga expected na nating hanash ng netizens nang makatanggap ng bouquet of flowers si Alexa Ilacad mula kay Eian Rances ilang araw matapos ma-evict ang nauna sa Bahay ni Kuya.

Pero ang iba, iba ang naamoy sa the moves ni Rances!

Common comments ng supporters ni Ilacad, “Nabasa lang niyan negative comments sa kanya kaya ganiyan!”, “Yuck user!”, “Magsha-shine si Alexa kahit wala ka Eian!”

Iyon kasi ang napansin ng netizens habang nasa loob pa ng bahay ang dalawa. Hindi naman anila gusto ni Rances si Ilacad, ginagamit lang daw niya ito nang malamang malakas ang kapit ng panagalawa sa mga tao sa outside world.

Hmmm. Ngayon kayang pareho na silang lumabas, totoo na kaya ang ipinapakita nila?

Eh, ‘yung may pa-letter pa si Eian sa flowers saying, “Maglalakbay patungo sa kung saan kahit walang kasiguraduhan dala-dala ang napagkasunduan na tayo lang ang may alam.”

Aww. Baka naman totoo na? Bakit walang kinilig? Hanggang saan kaya ito aabot? Time will tell ulit. Lol. Paula Jonabelle Ignacio