Pabuya para sa makapagbibigay-impormasyon sa mga killer ni Percy Lapid, P6.5M na

Pabuya para sa makapagbibigay-impormasyon sa mga killer ni Percy Lapid, P6.5M na

October 10, 2022 @ 7:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nag-alok si House Speaker Martin Romualdez nitong Linggo ng P5 milyong reward para sa sinumang may impormasyon na makapagtuturo sa mga pumaslang sa broadcaster na si Percy Lapid.

Inihayag ni Romualdez na mula ang pera sa personal contributions ng ilang House representatives. 

“We in the House view with concern the killing of Percy Mabasa,” ani Romualdez, gamit ang tunay na apelyido ni Lapid. “The perpetrators and the masterminds behind this dastardly act must be brought to justice at all costs. Violence has no place in a civilized society like ours.”

Binaril si Lapid, host ng online broadcast program “Percy Lapid Fire” sa DWBL 1242 at isang kolumnista para sa Hataw, sa Barangay Talon Dos, Las Piñas noong Oktubre 3.

Nauna nang mag-alok ng pabuyang P1.5 milyon para sa impormasyong makapagtuturo sa kanyang killers. RNT/SA