Pabuya sa makapagtuturo sa killer ng Grade 9 stude, P2M na!

Pabuya sa makapagtuturo sa killer ng Grade 9 stude, P2M na!

March 14, 2019 @ 2:20 PM 3 years ago


Cebu – Tumaas na sa P2 milyon ang pabuya para sa makapagbibigay ng anumang impormasyon para maaresto ang tatlong suspek sa pagpatay kay Chirstine Lee Silawan.

Ito ay matapos magbigay si Presidential Assistant to the Visayas Michael Dino ng P100,000 cash reward para sa kung sinumang makapagtuturo sa killer ni Silawan.

Magdadagdag din ani Dino ng karagdagan pang P100,000 si Philpost Chairman Norman Fulgencio.

Binigyang diin ni Dino na ang idadagdag nilang cash reward ay galing sa sarili nilang bulsa.

Nauna nang naglaan na ng P1 milyong halaga ng pabuya ang Lapu-Lapu city government para sa ikahuhuli ng mga suspek sa likod ng karumal-dumal na pamamaslang at pagtuklap sa mukha ng 16-ayos na Grade 9 student, natagpuang patay sa bakanteng lote noong Lunes sa Lapu-Lapu City, Cebu.

READ: P1M pabuya sa paghuli ng mga suspek sa brutal na pagpatay sa Grade 9 stude

Dinagdagan din ito ng P100,000 ng Advisory Council ng Police Regional Office -7 habang nagbigay pa ng P500,000 ang isang hindi na nagpakilalang dayuhan na nakatira sa Leyte.

READ: Pabuya sa paglutas sa kaso ng brutal na pagpatay sa Grade 9 stude, tumaas pa

Magbibigay rin ng P200,000 ang Provincial Council for the Welfare of Children.

Umaasa si Dino na ang naipon na pabuya ang magbibigay ng hustiya sa pagkamatay ni Silawan./Remate News Team