PACC partial report sa PhilHealth probe nakahanda na

PACC partial report sa PhilHealth probe nakahanda na

August 1, 2020 @ 3:34 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nakahanda na ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na magsumite ng partial report sa imbestigasyon sa umano’y anomalyang nakapaloob sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Lunes, August 3 ayon kay Commissioner Greco Belgica.

“We’ve seen fault sa systems kaya nagpe-perpetuate ang ganitong klaseng sistema and we’ve identified officials na maaaring nasangkot dito, positions na vulnerable for these kinds of mga corruption,” lahad ni Belgica sa Laging Handa public briefing.

“And also pinuna rin namin ‘yung misdoings ng officials na dapat ginagawa subalit hindi ginagawa.”

“Tapos na po ang basic report namin. Ang mahalaga na lang diyan ‘yung imbestigasyon, sino pa ‘yung mga tao na involved dito and then ‘yung recommendation to change the system,” dagdag pa ng opisyal.

Giit ni Belgica, hindi matitigil ang korapsyon sa naturang ahensya.

“Kasi there’s really a systemic flaw sa sistema ng PhilHealth kaya napakahirap, parang paulit-ulit, hindi matigil-tigil ang korapsyon kasi basically insurance fraud eh.”

Malaking butas aniya dito ang isyu sa kanilang IT.

“Basically IT ang issue. Malaking issue rito po ‘yung IT nila. And then ‘yung legal services po nila dahil supposedly nakikita ito, nadidiskubre… Kasi hindi naman ito mga bagong issues eh, these are recurring issues na iba-iba lang ang cases na hindi nahuhuli,” paliwanag ni Belgica.

“Kaya withdrawal lang nang withdrawal ‘yung mga … whether it’s a hospital or it is a patient na manloloko sa PhilHealth. Tapos ang PhilHealth naman parang bulag na hindi nakikita. Actually hindi lang parang, pero sa dami ng nawala, talagang nabulag na sila sa mga ganito.”

Sa report, nasa 30 indibidwal ang sangkot sa korapsyon. RNT/FGDC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...