PACC sa mga botante: ‘Wag magbenta ng boto

PACC sa mga botante: ‘Wag magbenta ng boto

May 7, 2022 @ 3:51 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Pinaalalahanan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang mga botanteng Pilipino na huwag ibenta ang kanilang boto o iboto ang isang kandidato kapalit ng pera.

Sa isang Facebook post, sinabi ng PACC sa mga botante na pumili ng kandidato na mayroong magandang track record at plataporma.

“(The) PACC urges everyone to refrain from selling your votes and vote in accordance with one’s conscience and preference, based on the candidate’s platform and dedication to lead this country to a better future,” ang makikita sa Facebook.

Tinuran ng komisyon na ang vote-buying at vote-selling ay ipinagbabawal sa ilalim ng Batasang Pambansa 881 o Omnibus Election Code (OEC).

Nakasaad sa Section 261(a) ng OEC na ang pagbili at pagbebenta ng mga boto ay kinasasangkutan ng “any person who gives, offers, or promises money or anything of value, gives or promises any office or employment, franchise, or grant, public or private, or makes or offers an expenditure, directly or indirectly, or cause an expenditure to be made to any person, association, corporation, entity, or community in order to induce anyone or the public, in general, to vote for or against any candidate or withhold his vote in the election, or to vote for or against any aspirant for the nomination or choice of a candidate in a convention or similar process of a political party.”

Ang kahalintulad na probisyon ay nagbabawal din sa “any person, association, corporation, group, or community to solicit or receive “directly or indirectly any expenditure or promise of any office or employment, public or private, for any of the foregoing considerations.”

Ang dalawa o higit pang katao, maging ito man ay kandidato o hindi, “who come to an agreement concerning the commission of any violation” ay parurusahan.

“Individuals who commit an election offense will be jailed for up to six years without probation,” babala ng PACC.

Idinagdag pa ng komisyon na ang guilty party, base sa OEC, ay mahaharap sa diskuwalipikasyon na humawak ng anumang public office at pagkakaitan ng right of suffrage.

Sinasabi pa na ang anumang dayuhan na mapatutunayang guilty ng election offense ay “subject to deportation” na ipatutupad matapos na mai-served ang prison term.

Ang anumang political party na nag-commit ng election offense ay papatawan ng multa ng hindi lalagpas sa P10,000.

Ang sanction o parusa ay ipapataw matapos na ang criminal action ay naisampa laban sa corresponding officials ng partido na mapatutunayang guilty.

Samantala, magtatatag naman ang Commission on Elections (Comelec) ng Citizen Complaint Center na magsisilbi bilang communication channel para sa mga mamamayan na magre-report ng mga insidente ng vote-buying at vote-selling na personal nilang nasaksihan.

Ang mga reklamo ay maaaring ihain ng personal o sa pamamagitan ng official e-mail addresses ng local field offices, Law Department ng komisyon o tanggapan sa mga lalawigan, lungsod at municipal prosecutors.

Isusumite naman ng local election offices sa Law Department ng Comelec ang report ng lahat ng vote-buying at vote-selling cases na isinampa sa kani-kanilang field offices.

Magsusumite naman ang prosecuting arms ng Department of Justice ng bi-weekly report ng lahat ng insidente ng vote-buying at vote-selling na inihain sa local at national prosecution offices. Kris Jose