PACC sa opisyal ng PCSO: Magboluntaryong magpa-lifestyle check



PACC sa opisyal ng PCSO: Magboluntaryong magpa-lifestyle check

August 5, 2019 @ 5:16 PM 2 years ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nananawagan ang Presidential Anti Corruption Commission o PACC sa mga opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na boluntaryong sumailalim sa lifestyle check.

Sa lingguhang forum na Tapatan, sinabi ni PACC Commissioner Manuelito Luna na ang mga opisyal ng PCSO ay binigyan ng isang linggo upang maghain ng kanilang SALN o Statement of Assets, Liabilities and Networth, bank waiver at iba pang dokumento.

Kapag hindi naman aniya kumilos ang mga opisyal ng PCSO ay mismong ang PACC na ang kikilos upang isagawa ang lifestyle check.

Gayunman, nilinaw ni Luna na hindi niya irerekomenda na maisalang pa sa lifestyle check sina PCSO General Manager Royina Garma at Dating PCSO GM Alexander Balutan.

Ito ay dahil bago pa lamang si Garma sa tungkulin at dinatnan na niya ang problema sa PCSO.

Habang si Balutan ay hindi pa opisyal kaya wala ng hurisdiksiyon sa kanya ang PACC. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •