Pacers dinomina ang Pistons

Pacers dinomina ang Pistons

April 2, 2019 @ 1:14 PM 3 years ago


Indianapolis – Tumanggi ang Indiana Pacers na isuko ang kanilang pwesto sa top 5 ng Western Conference matapos pagtulungan nina Thaddeus Young at Domantas Sabonis ang pagpapatumba Detroit Pistons, 111-102, sa laban ngayong Martes (Manila time).

Pinangunahan kasi nina Young, 19 points, at Sabonis, 18 points, ang Pacers upang tapusin ang tatlong magkakasunod nilang pagkatalo at manatili sa ika-5 ng Western Conference.

Dumagdag din si Myles Turner ng 17 points at 5 blocks sa Pacers.

Samantala, pinangunahan naman ni Wayne Ellington ang Psitons sa season-high 26 points habang si Andre Drummond ay nagpakawala rin ng 18 points at 17 rebounds sa labang nagpanatili sa kupunan sa ika-6 na puwesto sa final playoff.

Tatapusin ng Piston ang season series sa isang rematch sa Indiana sa Miyerkules./Remate News Team