Pacers nalusaw sa Grizzlies 109-104… Cavaliers pinagtulungan ang Celtics

Pacers nalusaw sa Grizzlies 109-104… Cavaliers pinagtulungan ang Celtics

October 7, 2018 @ 4:36 PM 4 years ago


 

NBA – Pinainit ni Jaren Jackson Jr., ang court sa kanyang 18 points para pangunahan ang Memphis Grizzlies sa paglamon sa Indiana Pacers sa laban nito nitong Sabado (Linggo sa Manila Time) sa Memphis.

Humirit pa ng overtime ang dalawang koponan bago matukoy sa dikit na laban ang panalo, 109-104.

Bigo man, llamado naman si Aaron Holiday na nagpakitang gilas sa 20 puntos nito para sa Pacers.

Susunod na lalabanan ng Grizzlies (2-1) ang Magic sa Orlando.

Samantala, pinagtulungan naman nina Ante Žižić, Collin Sexton at Jordan Clarkson ang panalo ng Cleveland Cavaliers kontra Boston Celtics (113-102).

Dahil dito, uuwi muna ang Boston para makalaban ang Philadelphia sa kanilang home court at magpapatuloy naman ang Cleveland para labanan ang Pacers sa Lunes (Martes sa Manila Time). (Remate News Team)