Pacers nilamangan ang Cavs… Curry bigong ipaglaban ang Warriors vs Phoenix

Pacers nilamangan ang Cavs… Curry bigong ipaglaban ang Warriors vs Phoenix

October 9, 2018 @ 3:19 PM 4 years ago


 

NBA – Siyam na puntos ang inabante ng Indiana Pacers para tuluyang patumbahin ang Cleveland Cavaliers sa iskor na 111-102.

Nagbunga ang 23 puntos ni Victor Oladipo na dinamayan naman ni Domantas Sabonis na may 16 points.

Ginamit ng Pacers ang second quarter upang itulak nang husto ang kanilang lamang kung saan umabot pa ito sa 24 puntos.

Nakatakdang bumisita sa Chicago ang Indiana sa Huwebes, habang makakasagupa naman ng Cavs ang Detroit sa Sabado sa Michigan.

Samantala kahit bumida si Stephen Curry  sa 23 points, bigo pa rin nitong maisalba ang Golden State Warriors kontra sa Phoenix Suns sa kanilang NBA exhibition.

Nanguna ang rookie na sina Deandre Ayton at Ryan Anderson nsa kanilang tig-18 puntos na sinuportahan naman ng 12 points ni Kevin Durant para sa Suns.

Sunod na makakasagupa ng Golden State ang Los Angeles sa Las Vegas, habang tatapusin naman ng Phoenix ang kanilang preseason play sa Portland sa Huwebes. (Remate News Team)