Pacific-wide tsunami alert itinaas matapos ang 8.1-magnitude na lindol

Pacific-wide tsunami alert itinaas matapos ang 8.1-magnitude na lindol

March 5, 2021 @ 7:10 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

WELLINGTON, New Zealand – Nagpalabas ng Pacific-wide tsunami alert ngayong Biyernes matapos ang 8.1-magnitude na lindol na tumama sa Kermadec islands sa nasabing bansa, na sinundan din ng dalawang malalakas pang lindol.

Iniatas ng New Zealand ang coastal evacuations matapos na itaas ng Pacific Tsunami Warning Center ang babala ng tsunami sa tatlong metro (10 feet) na taas ng posibleng alon sa Pacific region nations of Vanuatu at ng French territory of New Caledonia.

“Based on all available data, hazardous tsunami waves are forecast for some coasts,” ayon sa pahayag.

Posible rin ang maliliit na alon na umabot sa Japan, Russia, Mexico at sa South American coast. Ulat mula Agence France-Presse


  •  
  •  
  •