Pacio bagong mukha ng MMA ng Pilipinas



Pacio bagong mukha ng MMA ng Pilipinas

June 10, 2021 @ 9:00 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Kumpiyansa si reigning ONE strawweight world champion Joshua Pacio na mas darami pa ang mga Pinoy na magiging world titleholders sa ONE Championship.

Matatandaang minsan nang hinawakan ng bansa ang limang world champions sa  pinakamalaking martial arts organization ng Asya pero isa-isang natatalo ang mga Pinoy na ang pinakahuli ay si Brandon Vera na na-knockout ni Arjan Bhullar noong isang buwan sa kanilang heavyweight bout.

“I think being the lone Filipino champion in ONE won’t take very long because I’m confident that my teammates will be champions soon. I still train under coach Mark Sangiao and I think that will preserve our spot at the top, plus we are all training with hungry young lions,” ani Pacio.

Huling lumaban si Pacio noong January 2020 nang talunin nito si dating world champion Alex Silva via split decision at sinabi nitong target niya ngayon na mas lumakas at humusay pa.

 “A lot of people are saying that I’m the only champion left for the Philippines,” wika nito. “But for me, I don’t feel any pressure because that’s not what’s in my head right now. Instead, I’m more focused on improving my skills and I’m more focused on what to bring next inside the ONE circle.”

Sinabi ng 25-year-old  na sa ngayon ay wala pa siya sa level ng pagiging legend ng Philippine MMA pero nangakong mas magiging mapanganib sa mga susunod na taon.

“I’m still young and I think I’m still far from the level of kuya Eduard or kuya Brandon,” hirit nito.

 “I’m not on my peak yet. Give us three to five years more and you can see a very different Joshua Pacio. Right now, I’m more focused on honing up our game and growing even a single percent everyday,” banat pa nito. Rico Navarro


  •  
  •  
  •