Pacman, Mayweather nagkainitan, nagkasagutan sa Japan

Pacman, Mayweather nagkainitan, nagkasagutan sa Japan

September 25, 2022 @ 2:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagkita ang mortal na magkaribal sa boxing na sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather sa press conference para sa RIZIN 38 noong Sabado sa Saitama, Japan.

Pero sa pagkakataon ito sina Pacquiao at Mayweather, na parehong nagretiro mula sa aktibong pakikipaglaban, ay hindi nagpalitan ng suntok.

Sa halip, makakalaban ni Mayweather si Mikuru Asakura, isang mag-aaral ni Pacquiao, sa isang exhibition bout.

Magaganap ngayon araw ang laban ng dalawa.

Gayunpaman, hindi nito napigilan sina Pacquiao at Mayweather na makipagpalitan ng mga verbal jabs.

“Nandito ako para suportahan ang aking boksingero na lalaban bukas — si Asakura Mikuru,” ani Pacquiao.

“I’m so thankful na pumunta siya sa Pilipinas, sa Manila para magkaroon ng mga techniques about boxing, and train with me there.”

“Kaya ito ay magiging isang magandang boxing exhibition laban kay Floyd.”

Sinabi ni Mayweather na si Asakura na sinanay ni Pacquiao ay gagawing mas interesante ang laban.
“Ito ay mas nakakaintriga na nakapunta siya sa Pilipinas at humingi ng payo kay Manny,” sabi ni Mayweather.

“Ngayon si Manny ay may maraming karanasan, sa pinakamataas na antas, at nakikipagkumpitensya sa pinakamataas na antas. Iyon ay ginagawa itong mas kawili-wili.”

Nanindigan si Mayweather na walang nakakaalam kung paano siya talunin, maging si Pacquiao na na-outpoint ng Amerikano noong lumaban sila noong 2015.

“Tulad ng sinabi ko noon, walang blueprint kung paano talunin si Mayweather,” wika nito.

Nakatakda ring lumaban si Pacquiao sa isang exhibition bout laban sa Korean martial artist na si DK Yoo sa Disyembre.JC