Pacman nag-umpisang manligaw sa GenSan

Pacman nag-umpisang manligaw sa GenSan

February 8, 2022 @ 3:34 PM 8 months ago


MINDANAO – Inilunsad nitong Martes ni presidential candidate Senator Manny Pacquiao ang kanyang kampanya kasama ang isang motorcade sa kanyang bayan sa General Santos City.

Umabot sa 580 sasakyan ang lumahok sa caravan, na nagsimula bandang ala-1 ng hapon, ayon sa kampo ng senador.

Ang mga tagasuporta na sumama sa caravan ay nagmula sa Sarangani, Maguindanao, at South Cotabato.

Mula sa Barangay Bawing, binagtas ng caravan ang iba pang barangay ng Tambler, Calumpang, Labangal, Silway, at Dadiangas West.

Nagtapos ang caravan sa Oval Plaza Grandstand kung saan gaganapin ang proclamation rally ni Pacquiao at ng kanyang runningmate na si Lito Atienza sa alas-3 ng hapon. RNT